Love moves in mysterious way. Naks! :P

Ehem. If you will notice, most of my writings here is about love. Well, that is because nahihiya akong pag-usapan or i-discuss ang topic na yan sa friends man o family. Haha! Weird ba ko? Eh I don’t find it comfortable talaga. Kasi feeling ko yung usaping ganyan between two people lang eh. Well that is in my case. So ayun nga, dito ko nalang sinasabi yung mga nasa isip ko about love at least tayo tayo lang nakakaalam. Ssshhh! (Para akong monggoloid dito oh.) Haha!

Eh eto nga kasi, I’ll confess something. Hmmm..pano ko ba sisimulan? Haha! De, kasi sa totoo lang medyo nakakaramdam na ko ng inggit sa mga nababasa kong posts/photos sa FB about couples. I mean, mukhang masaya kasi. Yung mga friends ko na In a relationship status na, parang mga nasa cloud 9 lagi eh. Haha! Sila may lovelife tapos ayun ako eto, busog. Hahahaha! Jusko pagkain na lang lagi kong karamay for almost 20 years. Haha! Pero ok lang, masaya pa rin naman. (Pampalubag loob to. Haha) Pero seriously talaga, nakakainggit na. Hahaha! Charot.ย 

On the other hand, kahit ganon yung nararamdaman ko, I’ve been controlling myself. Mind over matter. Kasi alam ko din na kahit masaya yung nasa ganung sitwasyon, mahirap din siya at the same time. Tsaka its really a big responsibility to commit yourself to someone. And that is definitely not easy. Diba syempre dapat may time ka. Eh yun pa naman yung wala ako. Hahaha! Eh kasi ang dami kong priorities. Ang dami kong gusto pang ma-attain and ma-achieve. Gusto ko muna i-enjoy yung sarili ko. So naisip ko hindi ko pa rin pala afford ang maging committed. Di afford ng oras ko, ng attention ko at lalong lalo na ng budget ko. Hahaha! (Sugar mommy??? Lol!) Ayun. nakakainggit pero kailangan mas piliin kung ano ang dapat unahin. And that is definitely not lovelife, Career muna. Kaya pag tumanda akong dalaga alam niyo na, I’m the richest person on our street. Oo sa street lang namin. Asa naman akong sa buong mundo? Haha! Pero malay niyo diba! Haha!ย 

Yun lang. Gusto ko lang sabihin na inggitera ako pag dating sa lovelife ng iba dahil dalawampung taon na kong single. Hahahaha! Pero ayos lang talaga. ;) Di naman paunahan ang pag-ibig. Patagalan ang labanan. And I’ll be ready to make sure that Im gonna win that battle. Naks! Amazona! Hahaha! Hay nako. Pasensya na kayo, ganito talaga pag mga batang puyat. Lutang na. Masa malaki pa yung eyebag ko sa mata ko eh. Actually, malapit na siya sa cheekbone. Haha! Osya sige na. Salamat tumblr! Sa walang sawang pakikinig mo sa mga walang ka-kwenta kwenta kong sinasabi. Hahaha! ^_____^Y

Just like this picture, the puzzle is complete. Every little pieces is there.ย 

I don’t need someone who will complete me. Coz I already am. ย I just need someone who will complement my completeness. :-)

Sobrang nagustuhan ko tong kanta na to. :) Medyo naiyak ako nung una ko siyang napakinggan. Grabe. Hindi pa rin ako nauubusan ng paniniwala na may mga lalaki pa rin talagang matino at seryoso sa panahon ngayon. Habang pinapakinggan ko yung kanta, narerealize ko na there is really someone who is waiting for me..for you. Kaya hindi talaga ako nagmamadali pumasok sa isang relasyon. Ok lang kahit inaasar nila ako na wala pa kong boyfriend. Ayos lang. :) I know na dadating din yung tao na yun para sakin. Siguro nga malungkot pa din siya kasi wala pa ko. :) Kaya habang wala pa yung tao na yun, aalagaan ko muna ung sarili ko. Gagawin ko na yung mga bagay na gusto at dapat kong gawin. Para kapag dumating na yung oras na inilaan samin ni God, I’m ready.ย 

Alam kong hindi totoo ang fairytale. Na hindi sa lahat ng pagkakataon masaya. Alam kong walang taong perperkto. Pero alam ko rin na sa kabila ng pagtatalo o di pagkakaunawaan, pagmamahal pa rin ang mananaig. Walang perpekto pero may taong deserving. May taong karapat-dapat mahalin. Kung sakali mang pumasok ako sa isang relasyon, hindi ko pipilitin yung sarili ko na maging perpekto sa harapan ng mahal ko. Ipapakita ko lang kung ano talaga ako. At sana maging ganun din siya sakin. :) Hindi ko siya lolokohin at paglalaruan. I will appreciate his value. :) And as a ย woman, I know that I need to submit myself to him. :)

Trust, Honesty, Respect and Love. Four elements that would definitely make the relationship work and worth fighting for. Sana lahat ng babae maapreciate yung worth and value nila. Sana hindi lang sila mag settle sa isang tao just because yun lang yung available. Sana lahat ng babae matutong maghintay. Sana lahat ng babae matutong makuntento. Sana lahat ng babae marunong ding mag-seryoso. Hindi lang naman lalaki ang kailangan magkaroon ng mga ganung descriptions, dapat tayo din. Ako din.ย 

To my future special someone,ย 

I will never get tired of waiting. For the meantime, let’s fulfill our dreams first until the day we meet. I promise that… we would have fights and arguments.. definitely we would.. but that would not be the reason for me to give up. I know God has his purpose why you’re not yet with me. I hope you’re also looking forward to finally find and meet your twin flame. :)ย 

Love,ย 

Mich <3

Maraming bagay akong iniisip pero konti lang ang sinasabi ko. Maaaring hindi ito maintindihan ng nakararami pero may mga bagay na gusto ko, ako lang ang nakakaalam. Ako lang ang namomroblema. Mga bagay na sa tingin ko mas makabubuti kung sasarilinin ko. Kung gaano ako kadaldal kasama ang mga kabigan ko, ganun ako katahimik kapag ako nalang mag-isa. Sobrang layo ng nararating ng isip ko kapag ako nalang mag-isa. Gusto ko ganito, gusto ko ganyan. Dapat ganito, dapat ganyan. Mapagmasid ako. Lahat napapansin ko. Hindi ko alam bakit ako ganito. Paminsan natatakot ako. Sa lahat ng napagdaanan ko, parang unti unti akong nagiging manhid sa lahat ng bagay. Mukhang malapit na kong maniwala na ang puso maaaring maging bato.ย 

Minsan ang pain, ginagawa kang halimaw. Halimaw dahil wala ka ng nararamdaman. Nagiging objective lahat ng ginagawa mo. Ayokong maging ganun. Pero hindi malabo. Mukhang malapit na nga. Nararamdaman kong unti unti akong nagiging manhid sa mga bagay-bagay. Lahat dapat may rason.ย 

Pinipilit kong huwag tuluyang maging bato. Pero mahirap. When you experienced pain, lahat mababago. Pati ang pananaw mo sa buhay. Mas magiging mature ka. Mas tatapang ka.ย 

Pamilya. Ano nga ba ang tunay ka kahulugan niyan? Mukhang hindi ko kasi lubos nauunawaan. Dahil hindi ko naman lubos na nararamdaman. Iba ang pamilya sa kamag-anak. Yung kamag-anak alam ko, pero yung pamilya. Kailan ko kaya lubos mauunawaan iyon? Kailan ko totoong mararamdaman iyon?

To Tumblr, Love Pixel Union